10 KILO NG MARIJUANA KUMPISKADO, 2 TULAK NADALE SA ENGKUWENTRO

Marijuana

NUEVA ECIJA-DEAD on the spot ang dalawang lalaki na umano’y drug  pushers nang manlaban sa mga pulis sa Zone 3, Brgy. Sto. Niño 3rd, San Jose City.

Sa report ni P/Lt. Col. Heryl Bruno, na ipinadala kay PNP Regional Director PBGen. Rhodel Sermonia, kinilala ang mga napaslang na sina alyas Dicson at alyas Romy ng Kibungan Benguet.

Ganap na alas-9:30 ng ikasa ang buy-bust operation laban sa mga suspek na lulan ng isang van na may plakang RBC-993.

Nakuha mula sa loob ng van ang 10 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana, na tinatayang aabot sa P3 milyon at dalawang caliber .38 revolver, isa rito ay may serial no. 1912824. THONY ARCENAL

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *