139 TAMBAY NA VIOLATORS ‘PINANGARALAN’ SA QC

DINALA sa presinto at pinangaralan ng Quezon City Police District (QCPD) sa ila­lim ni Director, Chief Supt. Joselito Esquivel Jr.  ang mga lumabag sa ordinansa ng lungsod na aabot sa 139 katao, mula alas-5:00 ng umaga nito lamang June 24 hanggang alas-5:00 ng ­umaga kahapon.

Sa nasabing bilang ay limang violators ang dinakip ng La Loma Police Station (PS 1) sa ilalim ni Supt. Robert Sales, apat na menor sa Masambong Police Station (PS 2) sa pamamahala ni Supt. Rodrigo Soriano, 11 sa ­smoking,  apat sa drinking liquor at  isa sa pag-ihi sa public place.

Ang Fairview Police Station (PS 5) sa ila­lim ni Supt. Benjamin Gabriel Jr. ay naaresto ang isa katao  dahil sa smoking in public place.

Habang ang Batasan Police Station (PS 6) sa ilalim ni Supt. Joel Villanueva ay nakuha ang walong  menor na lumalabag sa discipline hours, arestado rin ang  22 katao sa smoking in public places at walo katao na walang suot pang-itaas.

Tig-10 naman ang inaresto ng Project 4 Police Station (PS 8) at Anonas Police Station. PAULA ANTOLIN

 

Comments are closed.