14 MANGINGISDA SINALPOK NG HK-REGISTERED VESSEL

fishing vessel

GINAGALUGAD na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang karagatan sa Occidental Mindoro para hanapin ang 14 mangingisda na napaulat na nawala nang banggain umano ng Hong Kong registered cargo vessel ang kailang sinasakyan nitong Hunyo 28.

Lumubog umano ang Philippine fishing vessel na Liberty mga 24 na kilometro sa Palauan.

Ayon kay Commodore Armand Balilo, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard, ilang oras matapos ang sakuna ay tumawag ang kapitan ng Vienna Wood , isang cargo ship na naka registered sa Hong Kong.

Ineskotehan ng PCG ang Vienna Wood galing ng Subic at pabalik sana sa Australia kaugnay sa isasagawang imbestigasyon.

Sinabi ni PCG District Commander ng Southern Tagalog na si Commodore Loevegildo Panopio, pawang mga crew ng Irma Fishing and Trading Company na nakabase sa Navotas ang mga nawawalang crew ng liberty 5 na hindi pa makumpirma kung lumubog nang tuluyan noong Linggo ng gabi. VERLIN RUIZ

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *