15 PANG KASO NAKAUMANG SA BRGY OFFICIALS KAUGNAY SA MGA ANOMALYA SA SAP

Jonathan Malaya

INIHAHANDA ng  Department of the Interior and Local Government (DILG)  ang 15 pang kaso laban sa mga barangay official  habang nagpapatuloy ang imbestigasyon  sa sinasabing anomalya sa pamamahagi ng  ayuda ng gobyerno sa ilalim ng  social amelioration program (SAP).

Sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na mayroon pang  93 opisyal ng barangay na iniimbestigahan.

Sa ginanap na  Laging Handa virtual press briefing,  sinabi ni Malaya na inatasan na ni  Interior Secretary Eduardo Año Criminal Investigation and Detection Group  ng Philippine National Police na hawakan ang mga kaso  ng mga opisyal ng barangay na sangkot sa nasabing anomalya.

Sa huling tala ng PNP, nasa mahigit 400 na Filipino ang nagtungo sa mga  police station at nagsampa ng reklamo laban sa  mga opisyal ng barangay na  sangkot sa katiwalian.

Nitong linggo lamang ay kinasuhan ng  kriminal ang 42 barangay officials   dahil sa umano’y pangongolekta ng kikbak sa cash aid na ipinagkakaloob sa mahihirap na pamilya.

Ang gobyerno ay naglaan ng mahigit sa P200 bilyon upang maipamahagi   ang  P5,000  hanggang P8,000 sa mga mahihirap na Filipino  na nawalan ng kita dahil sa  coronavirus pandemic. PILIPINO MIRROR Reportorial Team

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *