15,310 BAGONG COVID-19 CASES

COVID-19-2

NAITALA ang pinakamataas na  15,310 sa panibagong napaulat na kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Filipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) araw ng Biyernes (April 2), pumalo na sa 771,497 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 153,809o 19.9 porsyento ang aktibong kaso.

Ayon sa DOH, kabilang sa nasa bilang ang 3,709 case backlogs dahil sa technical issues.

96.3 porsiyento sa active COVID-19 cases ang mild; 2.4 porsiyento ang asymptomatic; 0.32 porsiyento ang moderate; 0.5 porsiyento ang severe habang 0.5 porsiyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 17 naman ang napaulat na nasawi kaya  umakyat na sa 13,320 o 1.73 porsiyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 434 ang gumaling pa sa COVID-19 kaya umakyat na sa 604,368 o 78.3 porsiyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Filipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *