17 OPISYAL NG PNP POSITIBO SA DRUG TEST

NAGPOSITIBO sa paggamit ng iligal na droga ang may 17 opisyal ng Philippine National Police (PNP) at isang non uniformed personnel ang makaraang sumalang sa mandatory drug testing.

Sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni PNP Director General Debold Sinas, nasa 18 tauhan ng PNP ang kabilang sa mga naitalang bagong nagpositibo sa drug test.

Nabatid na inilunsad ng PNP National Headquarters ang panibagong drug testing bilang bahagi ng isinasagawang internal cleansing ng organisasyon.

Ayon sa PNP Crime Lab,umaabot sa 80,507 PNP personnel ang sumalang sa drug testing simula unang araw ng Enero hanggang ika-20 ng Pebrero mula sa National Headquarters at PNP Regional Offices.

At sa inilabas na datos ng PNP Crime Lab, 17 police officers habang isang non uniformed personnel ang nagpositibo sa drug test.

Gayunpaman, mu­ling isasalang sa confirmatory testing ang mga nagpositibo pulis at sasailalim din ang mga ito sa imbestigasyon . VERLIN RUIZ

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *