17M PAMILYA TATANGGAP NG SECOND TRANCHE NG COVID-19 CASH AID

Salvador Medialdea

TINATAYANG nasa 17 milyong pamilya ang tatanggap ng second tranche ng cash assistance sa ilalim ng social amelioration program (SAP) ng pamahalaan.

Sa memorandum na ipinalabas ni Executive Secretary Salvador Medialdea, kabilang sa mga bibigyan ng cash aid ang 5 milyong pamilya na nakalista bilang mga benepisyaryo ngunit hindi nakatanggap ng first tranche ng ayuda.

Ayon kay Medialdea, ang 12 milyong iba pang benepisyaryo ay magmumula sa mga lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine, subalit maaari rin aniyang mabigyan ang mga pamilya na nasa pinaluwag na quarantine restrictions.

“While it is only natural that most beneficiaries would come from those still living in enhanced community quarantine areas, as stricter kinds of community quarantine deprive more people of means of support, household beneficiaries most affected by continuing restrictions in the operation of certain industries and sectors in areas under a general community quarantine may still be considered for the second tranche,” nakasaad sa memo na naka-address sa mga miyembro ng Gabinete.

Ang mga lugar na nananatiling nasa ilalim ng ECQ ay ang mga lungsod ng Cebu at  Mandaue at  10 barangays sa Navotas City. Nasa ilalim naman ng modified enhanced community quarantine ang Metro Manila, Laguna at ilang bahagi ng Central Luzon habang ang nalalabing bahagi ng bansa ay naka-general community quarantine.

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *