2 DAYUHANG PUGANTE NASAKOTE NG BI

NAARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) noong Miyerkules ang dalawang dayuhan na wanted sa kanilang mga lugar dahil sa mga kasong pandarambong o fraud.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente kinilala ang mga suspek na sina Yoo Moon Jong, 53-anyos,Korean national at ang 30-anyos, Taiwanese national na si Chen Yan Syun.

Batay sa report ng BI Fugitive Search Unit (FSU) naaresto si Yoo ng kanilang tropa sa tinitirahan nito sa Mabalacat City, Pampanga at si Chen ay nahuli sa may kahabaan ng United Nation Avenue, Ermita, Manila.

Ayon sa nakarating na impormasyon kay Mo­rente si Yoo ay tumakas papuntang Pinas, matapos masentensiyahan ng Korean court sa kasong Grave Threat at Swindling sa halagang $52,000.

Samantalang si Chen ay mayroon nakabinbin na warrant of Arrest na inisyu ng Yunlin District Pro­secutors Office sa Taiwan bunsod sa pagkakasangkot nito sa money laundering syndicate.

Ipinahiram ni Chen ang kanyang bank account sa sindikato para magamit sa pag-withdraw ng pera sa kanilang mga biktima.

Ang dalawang suspek ay kasalukuyang nakakulong sa BI’s detention faci­lity sa Camp Bagong Diwa, Taguig City pending their deportation. FROILAN MORALLOS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *