20 PATROL CARS SAGOT SA KRIMEN SA MARIKINA

Debold Sinas

NAKATANGGAP ng 20 patrol cars ang Marikina City mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) para sugpuin ang kriminalidad sa kanila.

Mismong si NCRPO Director, BGen. Debold Sinas ang nanguna sa turnover ceremony ng nabanggit na mga sasakyan.

Ayon kay Marikina City Mayor  Marcy Teodoro, malaki ang maitutulong ng naturang mga sasakyan upang tugisin ang mga masasamang loob na nagpaplanong maghasik ng kaguluhan sa lungsod.

Dagdag ng alkalde, suportado nito ang Marikina PNP para mabawasan ang mga nangyayaring krimen sa kanyang nasasakupan.

Aniya, wala nang dahilan ang mga pulis para hindi gawin ang kanilang trabaho dahil kumpleto ang mga patrol car para tugisin ang mga kriminal at magsagawa ng mga follow-up operation. ELMA MORALES

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *