’24 ORAS’ NAGING PATAS SA PAGTALAKAY NG REPORTS NG NTC ABS-CBN          

MARAMING pumuri at natuwa sa GMA Network, particularly sa news program na “24 Oras,” nang naging patas sa pagbibigay ng balita angshowbiz eye anchors ng newscast nang talakayin nila ang mga reports tungkol sa paghahain ng National Telecommunications Commission ng Cease and Desist Order laban sa ABS-CBN.

Hinangaan nila ang pagtatanong ni Jessica Soho tungkol sa  issues at tinanggap nila ang pahayag ng FICTAP (Federation of International Cable TV Association of the Philippines), dahil ang ipinagtapat nila ay laban sa ABS-CBN, pero pinakinggan lamang ito ng “24 Oras” at wala silang ibinigay na pagkampi sa network o pagkampi sa FICTAP.

Kahit ang side ng ABS-CBN ay inilabas din ng “24 Oras” para maging patas ang pagri-report nila.  At gabi-gabi ay ganoon pa rin ang pagri-report ng news program para malaman din ng mga televiewers kung ano na ang latest development sa kaso.  At ang isa pa nilang ipinuri sa GMA kahit sila ay kinukuwestyon din tungkol sa franchise issue, hindi nila ito sinasagot sa kanilang news program.

 

PHOTOS NI ZIA BILANG DARNA AT DYESEBEL NA ROLE NI MARIAN SUMABOG SOCMED

 

IBANG klaseng nanay talaga si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, na tuwang-tuwang bihisan ang panganay na anak na si Letizia, 4 years old.  Last Saturday, nag-post ng dalawang pictures ni Ate Zia na naka-Darna costume with the caption na “may pa-early Mother’s day pakulo itong si Ate Zia! Familiar ba ang mga looks? “Sa dinami-dami ng roles na ginampanan ko, ang pagiging mommy ang pinakamasarap. Kaya susuportahan lang kita anak as you discover your interest.”

Umani ng almost one million likes and comments ang photo ni Ate Zia, pero hindi doon natapos bihisan ni Marian ang anak, Isa pa niyang post “Aba, may pahabol pa si Ate Zia, syempre nag-Dyesebel din sya. Wala na finish na.”

Ang “Darna” at ang “Dyesebel”, bukod pa sa “Marimar” ang mga tumatak na shows ni Marian na ginawa niya sa GMA-7.  Hindi kami magtataka kung ang susunod na ibibihis ni Marian kay Ate Zia ay ang character niyang si “Amaya” at si Reyna Minea sa “Encantadia.”

 

LARAWAN NI CARLOS GONZALES AT ANAK MARAMING NATUWA

 

UMANI ng maraming likes ang post ni Luane Dy ng picture ng mag-ama niya, ang asawang si Carlo Gonzales na karga ang newborn babyCARLOS GONZALESboy nila si Jose Christiano Gonzales. Hindi man nakikita ang face ng baby, cute na cute naman ang mga netizens sa photo nilang mag-ama, kaya lamang ang comments nila, “sana mag-ahit ng balbas niya si Carlo, kawawa naman ang baby, very sensitive pa naman ang skin nila.

Malamang, kahit karga ni Carlo ang baby boy niya, hindi niya ito hinahalikan tulad nang nasa picture.  Pwede naman iyon, maingat naman tiyak si Carlo, dahil talagang sensitive ang balat ng mga bagong silang na babies.

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *