$26.5-M LOAN APRUB SA ADB PARA SA DIGITAL TOOLS NG LGUs

ADB-5

INAPRUBAHAN ng Asian Development Bank (ADB) ang $26.5 million (P1.3 billion) loan para sa digital tools ng  local government units upang mapataas ang kanilang kita.

“The funds were allocated for new tools for local real property tax valuation and collection for transparent and accurate reporting, upda­ting tax maps and property valuation assessments,” ayon sa  statement ng ADB.

“Local governments play a critical role in poverty reduction. Mobilizing local revenue in an efficient, equitable, and transparent manner is vital to local governments’ goal of delivering accessible, quality public services,” sabi ni ADB Senior Public Management Specialist for Southeast Asia Robert Boothe.

Dagdag pa niya, ang bagong proyektong ito ay magkakaloob ng digital tools, systems, at local staff training na kinakailangan upang tulungan ang mga lokal na pamahalaan na makalikom ng pondo.

Ang ADB ay sumusuporta sa pagsisikap ng pamahalaan na mapagbuti ang financial management at service delivery ng mga lokal na pamahalaan magmula noong 2006.

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *