260 PULIS NA ANG TINAMAAN NG COVID-19

Pulis

NADAGDAGAN pa ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng coronavirus disease  (COVID-19) sa Filipinas.

Sa monitoring report hanggang alas- 6:00, Huwebes ng gabi (Mayo 21) ay iniulat ng  PNP Health Service na umabot na sa 260 kumpirmadong kaso ng COVID-19  sa hanay ng pambansang pulisya.

Nasa 788 na pulis ang itinuturing na probable case habang 574 ang suspected cases.

Iniulat na  tumaas din ang bilang ng mga gumaling na PNP personnel sa COVID-19 pandemic at nasa 84 mga pulis na ang nakaligtas.

Nanatiling   apat na pulis ang  pumanaw bunsod ng nakakahawang sakit.

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *