27 TULAK, 72 MGCQ VIOLATORS NALAMBAT

CAVITE – REHAS na bakal ang naging bahay ng 27 narco peddlers sa isinagawang sunod sunod na buy-bust operation sa ibat ibang bayan at lungsod habang 72 quarantine violators naman ang nalambat sa loob lamang ng 24-oras police operation sa lalawigang ito.

Sa police report na isumite sa Camp Pantaleon Garcia, 15 buy-bust operation ang inilatag sa mga lungsod ng Bacoor, Imus, General Trias, Cavite City, Dasmarinas at sa mga bayan ng Naic Indang, Silang, Amadeo Carmona at bayan ng Kawit na nagresulta sa 27 narco peddlers ang nasakote.

Nasamsam naman ang 78 plastic sachets na shabu, isang plastic sachet na marijuana, drug money, mga mark money na ginamit sa drug bust at mga drug paraphernalia.

Samantala, nalambat naman 72 ‘pasaway’ na lumabag sa community quarantine na hindi naka face mask, face shield at paglabag sa curfew hours sa mga nasabing bayan at lungsod.

Pinaalalahanan ng pamunuan ng Cavite PNP sa pangunguna ni P/Col. Marlon R. Santos ang publiko na patuloy ang kampanya ng pulisya laban sa anumang illegal activities, mga wanted person para mapanatili ang peace and order sa nasabing lalawigan. MHAR BASCO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *