278 BAGONG BILANG NG PULIS GUMALING SA COVID-19

NAITALA ng Philippine National Police (PNP) ang 278 na pulis na bagong nakarekober sa COVID-19.

Ayon sa PNP Health Service nasa 13,846 na ang kabuuang bilang mg gumagaling mula sa nabanggit na sakit.

Iniulat naman ni PNP deputy chief for administration, Lt. Gen. Guillermo Eleazar na mayroong 208 police officers ang bagong dinapuan ng COVID-19.

Kaya sa kabuuan, mula noong Marso 2020 ay mayroon nang 16,430 kaso kung saan 2,544 ang active cases habang 40 PNP personnel na ang nasawi.

Samantala, nasa 4,387 pulis na ang bakunado kung saan 2,865 ay nabakunahan ng Sinovac habang 1,522 ay AstraZeneca. EUNICE CELARIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *