280 RETAILERS NA SINALANTA NG MGA BAGYO INAYUDAHAN NG GLOBE

RETAILERS FROM TYPHOON-HIT

HINDI bababa sa 280 retailers mula sa mga komunidad na hinagupit ng mga bagyong Rolly at Ulysses noong nakaraang taon ang pinakahuling nabiyayaan ng Community Development program ng Globe.

Ang naturang Globe partners ay tumanggap ng livelihood opportunities sa pamamagitan ng  retailer package na may LTE phones, SIM starter kit, at initial load.

Higit sa disaster response, ang Globe ay nagkakaloob ng mas pangmatagalang tulong sa mga komunidad na apektado ng mga bagyong Rolly at Ulysses sa pamamagitan ng technology-based livelihood opportunities.

“We’re starting the year by supporting the most affected communities and helping them rebuild their lives. We’re committed to helping communities in their rehabilitation and recovery efforts by including them in our value chain. This makes our intervention more sustainable and meaningful especially for our partners and customers,” wika ni Bernie Llamzon, Globe EVP for Channel Management.

Ang Globe livelihood program ay kinabibilangan ngayon ng mga benepisyaryo mula sa 62 lungsod at bayan sa walong lugar na sinalanta ng dalawang bagyo.

Hindi bababa sa 40 benepisyaryo mula sa  Tabaco City, Bacacay, Camalig, Homapon, Malilipot,

Malinao, Tiwi, Legazpi, Daraga, Sto. Domingo, at Ligao sa Albay; 40 sa Aparri, Gattaran, Gonzaga, Lallo, Libertad, Pamplona, Piat, Solana, Sta Ana, Tuao East, Tuguegarao, Cagayan; 40 sa Virac, Bagamanoc, Bato, Panganiban, San Andres sa Catanduanes at  Bulan, Casiguran, Castilla, Donsol, Gubat, Irosin,

Juban, Magdalena, Matnog, Pilar, Prieto Diaz at Sorsogon City sa Sorsogon; 40 sa Iriga City, Camarines Sur; 40 sa Ilagan City, Benito Soliven, Babagan, Gamu, Naguilian, Sta. Maria, at Sto. Tomas sa Isabela; 40 sa Marikina, Metro Manila, Rodiguez, San Mateo, at Cainta, Rizal; 40 sa Catanauan, Mulanay, San Francisco, San Narciso at San Andres sa Quezon ang naging bagong retailer partners sa pamamagitan ng programa.

“Expanding our retailer base also benefits host resident communities as it provides easy access to loading facilities and facilities additional revenue streams for our community partners,” dagdag ni Llamzon.

Ang mga bagyong  Rolly at  Ulysses ay tumama sa Filipinas at sinalanta ang libo-libong pamilya, lalo na ang mga nasa Region 5, Region 2, at Greater Manila Area. Batay sa situation reports ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang pinsala sa agrikultura at imprastruktura ng dalawang bagyo ay pumalo sa P38 billion.

Sa lahat ng mga apektadong lalawigan, ang grabeng sinalanta ni ‘Rolly’  ay ang Albay, Camarines Sur, Catanduanes, at Quezon sa Bicol region, habang si ‘Ulysses’ ay nagdulot ng pagbaha sa  Cagayan, Isabela, at mga komunidad sa Marikina City at Rodriguez, Rizal.

Bilang paunang tugon, ipinagkaloob ng Globe ang mga sumusunod sa mga labis na napinsalang lalawigan:

  1. Dyip Sagip: nag-deploy ng Libreng Tawag, Libreng Charging, Libreng WiFi stations sa mahigit 80 lugar sa buong bansa
  2. Relief support sa mahigit 16,000 pamilya
  3. Libreng unlimited calls sa Globe at TM at unlimited texts sa lahat ng networks sa loob ng 3 araw sa Globe at TM Prepaid customers
  4. Libreng 5GB sa loob ng 3 araw sa Globe At Home postpaid at prepaid WiFi customers.
  5. Ayuda sa kabuuang 258 existing load retailers sa Quirino, Camarines Sur, Camarines Norte, Catanduanes, Aurora, Quezon, Sorsogon, Cagayan, Isabela, Nueva Ecija, Albay, Rizal at Marikina sa pamamagitan ng P1,000 halaga ng grocery packages, SIMs at P1,000 load bilang karagdagang inventory para sa pagtitinda.

Nagsagawa rin ng donation drives via Globe Rewards at GCash kung saan nakalikom ng kabuuang P23.4M para sa halos 30,000 panilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *