3 BILLS SINERTIPIKAHANG URGENT NI DUTERTE

duterte

SINERTIPIKAHAN ni Pangulong Duterte bilang urgent ang tatlong panukalang batas.

Kinabibilangan ito ng House Bill number 6174 at Senate Bill 1412.

Ang nabanggit na panukalang batas ay kapwa naglalayong amyendahan ang Anti-Money Laundering Act sa bansa.

Kasabay nito, sinertipikahan din bilang urgent bill ang Senate Bill 1849 na naglalayon naman na tiyakin na magiging matatag ang financial industry sa bansa sa harap ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Sa oras na masertipikahan ang isang  panukala bilang ‘urgent’, hindi na nito kailangan sumailalim sa ‘three-day layover rule’ matapos na maipasa sa ikalawang pagbasa. DWIZ882

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *