3 NASAWI SA PAMAMARIL

Baril

LA UNION–TATLONG katao ang nasawi kabilang ang tinuturong suspek sa naganap na pamamaril kamakalawa ng gabi sa Purok 2, Brgy. Tayac, Rosario sa lalawigang ito.

Kinilala ang  dalawang biktima na mag-ama na sina Modesto Oropilla, 60- anyos na kapatid ng suspek at Mary Grace Oropilla-Parayno, 36 taong gulang na pamangkin ng suspek, isang Barangay Health Worker.

Kapwa dineklarang  dead-on-arrival sa Rosario District Hospital ang mag-ama habang dead on the spot ang 35-anyos na suspek na si  Filomeno Oropilla. Sugatan naman ang bayaw ng suspek na si Eduardo Siguin, 58 taong gulang na pawang magkakapitbahay sa nasabing lugar.

Sa ulat kay Rosario Police Station Chief Maj Garry Anthony Casem, matinding alitan sa lupa ang sanhi ng pamamaril na kung saan habang umiinom  ang suspek ay bigla itong naglabas ng baril at pinaputukan ang mag-ama na nagluluto.

Tinangkang tumakas ng suspek sa mga humahabol na pulis subalit nakipagbarilan ito na naging sanhi ng daglian nitong kamatayan. VERLIN RUIZ

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *