3,598 TOTAL RECOVERIES SA COVID-19-DOH

DOH covid

UMAABOT  na sa 3,598 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa coronavirus disease (COVID-19) sa Filipinas hanggang alas-4:00  ng hapon ng Huwebes, Mayo 28.

Nadagdag kasi rito ang 92 mga bagong gumaling sa loob ng 24 oras.

Nasa 539  naman ang bagong napaulat na COVID-19 cases  na   kahapon kaya  pumalo na sa 15,588 ang bilang ng tinamaan ng nakakahawang sakit sa bansa, 11,069 ang aktibong kaso.

Sa nasabing bilang ay  330 ay naitala mula sa  National Capital Region (61 percent); 55 sa Region 7 (10 percent); 99 sa iba pang mga lugar (19 percent); at 55 repatriates (10 percent).

Nadagdagan naman ng  17 pa ang mga nasawi  kaya nasa 921 na ang kabuuang COVID-19 related deaths sa bansa. PILIPINO MIRROR Reportorial Team

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *