4 NA LUGAR SA BANSA IDINEKLARANG TOURIST DESTINATION

Mount Bulaylay

NILAGDAAN  na  ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga batas na magdedeklara bilang tourist destination ang apat na lugar sa bansa.

Sa bisa ng Republic Act 11406, isa nang tourist destination ang Mount Bulaylay sa Cuyapao Province sa Nueva Ecija.

Kasama rin ang Candon City Ecotourism Zone na matatagpun sa iba’t ibang barangay sa Candon, Ilocos Sur sa bisa naman ng Republic Act 11407.

Dahil naman sa pagpirma ni Pangulong Duterte sa Republic Act 11408 ay isa nang tourist destination ang Santiago Cove sa Ilocos Sur.

Tourist destination na rin ang Pinsal Falls na matatagpuan din sa Ilocos Sur dahil sa paglagda ng pangulo sa Republic Act 14409.

Nakasaad din sa mga batas na kaila­ngang isama ng Tourism secretary ang mga nasabing destinasyon sa pondo ng Department of Tourism (DOT). DWIZ882

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *