5 TIMBOG SA SHABU SA CALOOCAN AT VALENZUELA

ARESTADO ang limang hinihinalang drug personalities kabilang ang isang bebot matapos makuhanan ng higit sa P.1 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na drug operation ng pulisya sa Lungsod ng Caloocan at Valenzuela.

Ayon kay Caloocan police chief Col. Sa­muel Mina Jr., dakong alas- 9:50 ng gabi nang respondehan ng mga tauhan ng Sub-Station 15 ang natanggap na text message mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap umanong shabu session sa 657 Anonas St., Amparo Subd, Brgy. 179.

Pagdating sa lugar, nakita nina PCpl Rodolfo Domingo II at Pat. Gellord Catapang si Jhon Lester Mayor, 19-anyos, at Raymond Debangco, 28-anyos na sumisinghot ng shabu kaya’t agad nilang inaresto ang mga ito.

Nakumpiska sa mga suspek ang tatlong medium plastic sachets na naglalaman ng nasa 15.06 gramo ng shabu na tinatayang nasa P102,408 ang halaga at ilang drug paraphernalias.

Sa Valenzuela, nadakma naman ng mga operatiba ng Valenzuela Police Station Drug Enforecment Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Robin Santos sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Fernando Ortega sa buy-bust operation sa Blk 3, Compound 2, Sitio Kabatuhan, Brgy. Gen. T. Deleon si Wilfredo Paragas Jr. alyas Nog-nog, 34-anyos, Cherry Deloria, 32-anyos, at Jaspher Reyes, 24-anyos, bandang alas-12:15 ng madaling araw.

Narekober sa kanila ang nasa P34,000 halaga ng shabu, P500 marked money, cellphone at P500 bills.
Nahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. VICK TANES

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *