5O KASO NG COVID-19 NAITALA SA ISABELA

covid patient

ISABELA-UMAABOT na sa 50 ang naitalang panibagong kaso ng COVID-19 sa nasabing pro­binsiya noong Biyernes, Oktubre 16.

Ang nasabing bilang ay mula sa Ilagan City na may naitalang 38 na kaso, lima sa Cauayan City, tig-dadalawa sa mga bayan ng Gamu at Cordon, habang sa tig-iisa naman sa Santiago City at sa bayan ng Jones.

Sa pinakahuling talaan ng Integrated Provincial Helth Office(IPHO), umaabot na sa 387 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan, apat dito ang retur­ning Overseas Filipinos (OFs), 40 ang locally stranded individuals (LSIs), 32 ang health workers at 311 ang nahawa dahil sa local at community transmission.

Habang mayroon naman naitala ang lalawigan na 24 recoveries, labing dalawa naman ang nasawi sa Santigao City.

At sa datos naman ng Department of Health (DOH) Region 2, umakyat na sa 1,023 ang confirmed COVID-19 positive sa Isabela at hindi pa kasama rito ang 49 na panibagong kaso na naitala kahapon.

Samantala, inihayag naman ng pamunuan ng Rural Health Unit (RHU) sa bayan ng San Mateo, Isa­bela, ang panibagong kaso ng COVID-19 na pawang mga babae ang nagpositibo, ang una ay isang 32-anyos na OFW, walang nararamdamang sintomas ng virus; pangalawang kaso ay isang ginang na 34-anyos, nananatili ring asymptomatic at galing sa Pasay City at ang pangatlong nagpositibo sa virus ay 31-anyos na ginang, walang travel history at nakakaranas ng ubo, lagnat at pangangati sa lalamunan. IRENE GONZALES

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *