7 TIMBOG SA POT SESSION

DALAWANG hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang arestado matapos makumpiskahan ng higit sa P.3 mil­yon halaga ng marijuana sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City.

Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director Brig.Gen. Eliseo Cruz ang naarestong mga suspek na si Mark Lester Corpuz, 32-anyos ng Banaba St. Pa­ngarap Village, Caloocan at Norman Keith Frago, 28-anyos ng Batangas City.

Ayon kay Cruz, dakong ala-6 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pangunguna ni P/Maj. Ramon Aquiatan Jr. sa Parking Lot ng Victory Mall sa Brgy. 72, ng lungsod.

Nagawang makapagtransaksiyon ng pulis na nagpanggap na buyer sa mga suspek ng P30,000 halaga ng high grade marijuana (Kush).

Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng high grade marijuana ay agad silang sinunggaban ng mga operatiba.

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 180 gramo ng high grade marijuana (Kush) na tinata­yang nasa P360,000.00 ang halaga, marked money, digital weighing scale, 2 cellphones, at isang kulay titanium gray na Honda City. EVELYN GARCIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *