72 GUMALING, 1,411 NADAGDAG SA KASO NG COVID-19

NASA 1,411 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa Filipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) araw ng Martes, Pebrero 23, umabot na sa bilang na 564,865 confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 29,817 o 5.3 porsiyento ang aktibong kaso.

88.4 porsiyento sa active COVID-19 cases ang mild; 5.7 porsyento ang asymptomatic; 0.84 porsiyento ang moderate; 2.5 porsyento ang severe habang 2.6 porsiyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 16 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 12,107 o 2.14 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 72 ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 522,941 o 92.6 porsiyento ang total recoveries ng COVID-19 sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *