9 BAYAN SA LEYTE TINAMAAN NG ASF

ASF

SIYAM na bayan sa Leyte ang tinamaan ng African swine fever, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Sinabi ni DA Eastern Visayas information officer Francis Rosaroso na ang naturang mga lugar ay ang Abuyog, Burauen, Dulag, Javier, La Paz, MacArthur, Palo, Pastrana, at Tanauan.

Para mapigilan ang pagkalat ng ASF, sinabi ni Rosaroso na kinatay ng lalawigan ang 4,000 baboy. Ang sakit ay hindi mapanganib sa tao subalit nakamamatay sa mga baboy.

Ayon kay Rosaroso, nakikipag-ugnayan sila sa lokal na pamahalaan para higpitan ang border inspection laban sa sakit.

“Ngayon, hinihikayat ang barangay officials na sila na ang magmanman sa border checkpoints,” aniya.

Ang pulisya ang dating nagbabantay sa pagpasok ng live hogs at apork products sa lalawigan.

Tiniyak din ni Rosaroso na babayaran ang mga apektadong backyard hog raiser para sa mga pinatay na baboy.

“May commitment ang ating Bureau of Animal Industry director na babayaran kaya lang it will take some time. Ang sabi, 5 to 6 months pero ika-cut short daw. Within 3 months, magkakaroon na ng inisyal na bayaran,” aniya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *