92 NADAGDAG SA MGA NAKAREKOBER SA COVID-19

Covid-19 patient

NADAGDAGAN ng 92 pasyente ang bilang ng mga nakarekober sa coronavirus disease (COVID-19) sa buong magdamag.

Sa tala ng Department of Health (DOH), hanggang alas-4:00 ng hapon ng Biyernes, Mayo 22, ay nasa  3,092 pasyente ang gumaling.

Pumalo naman sa 13, 597 ang kabuuang bilang ng mga indibidwal na nagpositibo sa COVID-19 dahil  nadagdagan pa ng 163 bagong kaso ang total infections sa bansa.

Nabatid na ang mga bagong pasyente ay binigyan ng  pagkakilanlan bilang PH13435- PH13597.

Sa nabanggit na bilang 91 o 56% ay naitala sa National Capital Region (NCR); 56 o 34% ay naitala sa Region 7; at 16 o 10% naman sa iba’t ibang rehiyon.

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *