9,956  TOTAL RECOVERIES NG COVID-19

Covid-recover

INIHAYAG kahapon ng Department of Health (DOH)  na nadagdagan ng  270 ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 9,956 ang total recoveries ng nasabing sakit sa Pilipinas.

Gayunpaman, na­dagdagan pa nang halos 1,000 ang bilang ng tinamaan ng COVID-19.

Sa press brie­fing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang alas-4 ng hapon nitong Lunes, umabot na sa 36,438 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 985 ang napaulat pang kaso ng COVID-19 kung saan 643 ang “fresh cases” habang 342 ang “late cases.”

Gayundin, nasa 11 pasyente ang nasawi  kung kaya’t  ang COVID-19 related deaths ay umabot na sa 1,255 na.

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *