9K BAGONG KASO NG COVID-19 SA METRO MAITATALA -UP EXPERTS

COVID-19-a

MAHIGIT 9,000 bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang maitatala mula sa Metro Manila hanggang sa Hunyo 15.

Ito ang babala muli ng experts mula sa University of the Philippines (UP) kapag nagpatuloy ang kasalukuyang trend at community quarantine measures.

Sa kanilang May 2 report, inihayag ng researchers na nasa mahigit 9,000 bagong kaso at mahigit 800 ang bilang ng deaths  sa mga lugar sa Metro Manila hanggang Hunyo 15 kung saan nangunguna ang Quezon City na mayroong mahigit 2,000 kaso at Mandaluyong na nasa mahigit 1,000 kaso.

Binigyang diin ng UP experts na anumang modification sa enhanced community quarantine (ECQ) ay maaaring makapagpataas ng bilang ng kabuuang kaso  lalo na ang death toll.

Samantala, tinataya naman ng researchers na papalo sa mahigit dalawang libong bagong kaso at halos 30 ang patay sa Cebu City hanggang sa Hunyo 15 at 610 new cases at 17 deaths naman  sa Laguna sa parehong petsa. DWiZ882

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *