DATING PRESS SEC DONG PUNO PUMANAW NA

SUMAKABILANG BUHAY na ang beteranong broadcaster at dating press secretary na si Ricardo “Dong” Puno Jr. araw ng Martes, Pebrero 15.

Ayon sa kanyang dalawang anak na sina Ricky at Donnie, 12:15 ng tanghali nang pumanaw ang kanilang ama dahil sa iniindang karamdaman. Siya ay 75-anyos.

Kilala si Dong Puno bilang dating public affairs host, media executive, newspaper columnist, at isang abogado.

Ilan sa kanyang nga naging ABS-CBN shows ay ang “Dong Puno Live”, “Viewpoints”, at “Insider”.

Taong 2000 nang italaga siya ng dating presidente Joseph “Erap” Estrada bilang press secretary bago ito tumakbo sa pagkasenador noong sumunod na taon ngunit hindi pinalad na manalo.