ABAP SA PSA FORUM

Ricky Vargas

MAGIGING special guest si Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) president Ricky Vargas sa regular Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum webcast ngayong araw.

Si Vargas, ang dating  Philippine Olympic Committee (POC) president at kasalukuyang PBA Board chairman, ay sasamahan ni ABAP secretary-general Ed Picson sa session na magsisimula sa alas-10:30 ng umaga.

Ang boxing federation ay nasa proseso pa ng pagkukuwalipika ng Filipino pugs sa Tokyo Olympics. Sa kasalukuyan, dalawang Philippine boxers sa katauhan nina Eumir Felix Marcial at Irish Magno, ang nagkuwalipika na sa Games, na ipinagpaliban sa susunod na taon dahil sa COVID-19 pandemic.

Ang Forum ay muling mapapanood  nang live via  PSA Facebook page  fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at isi-share din sa Radyo Pilipinas 2 facebook page.

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *