ACT-CIS NAKISIMPATIYA SA MGA DUMARAING SA MATAAS NA ELECTRIC BILL

ACT-CIS.jpg

NAGPASA ng resolution ang ACT-CIS partylist sa Kongreso para imbestigahan ang umano’y biglaang pagtaas ng mga electric bill ng Meralco.

Sa House Resolution No. 892 nina ACT-CIS partylist Reps. Eric Go Yap, Jocelyn Tulfo at Niña Taduran, inatasan nila ang appropriate House committees na imbestigahan ang  pagtaas ng singil sa mga koryente nitong Abril hanggang Mayo sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

“Marami tayong natatanggap na reklamo mula sa ating kababayan na ang laki nga raw ng tinaas ng babayaran nila sa Meralco para sa April-May billing. Together with Cong. Jocelyn Tulfo and Cong. Niña Taduran, we filed this resolution so we may have a proper hearing in Congress to tackle this matter. We need to hear an explanation from Meralco and investigate this further,” ayon sa pahayag ni Go.

Idinagdag pa ni Yap na hindi lamang doble kundi triple ang itinaas ng singil sa koryente ng ilan nating mga kababayan.

“Wala ka na ngang trabaho, sisingilin ka pa ng triple sa regular na Meralco bill mo. Kung P3,000 ang regular bill mo, magiging P9,000 ang kailangan mong bayaran. Ngayon pa ba gugulangan ang kapwa Pilipino? (sic). Lalo na ngayon na krisis dahil sa COVID-19, maraming nawalan ng pagkakakitaan kaya’t mas marami ang hirap talaga,” giit pa ni Yap.

Bukod dito, pinapagpaliwanag din ni Yap ang Meralco ukol sa P47 convenience fee na sinisingil nito sa mga electric consumers na nagbabayad ng kanilang bill sa online.

“Dagdag pabigat lang ang P47 convenience fee na ipinapataw ng Meralco sa consumers na magbabayad sa pamamagitan ng kanilang online facility. It is the obligation of Meralco to provide a secure and reliable payment mechanism to its consumers. Huwag na huwag nila ito ipasa sa consumers nila na hirap na hirap na nga maghagilap ng pambayad sa koryente,” ani Yap.

Banta naman ng mambabatas, kung mapapatunayan na may nilabag ang Meralco sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act ay hindi sila mangingimi na kasuhan ito.

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *