AGUILAR, WONG IKU-QUARANTINE

on the spot- pilipino mirror

PINAGMULTA ng PBA ng tig-P20,000 sina Japeth Aguilar ng Brgy. Ginebra at rookie Adrian Wong ng Rain or Shine. Ang dalawa ay lumabag sa panuntunan ng GCQ noong nakaraang linggo.

Ang dalawa ay nakita sa isang video na naglalaro ng 5 on 5 sa Ronac Gym sa San Juan. Nag-viral ang video na ito. Kasama pa rito ang special draft na si Isaac Go ng Columbian Dyip, at si Japan- bound Thirdy Ravena. Kalaro rin nila si  Kobe Paras at ilang amateur players.

Bago pa ipinatawag noong Lunes sina Japeth at Adrian ay humingi na ng paumanhin ang dalawa, gayundin sina Go at Ravena. Ang mga player ng Gin Kings  at Elasto Painters ay sasailalim sa swab test at 14-day quarantine baka umano ang ilang kalaro ay may COVID-19 at nahawaan sila.

Sinisiguro lang naman ni PBA Commissioner Willie Marcial ang kaligtasan ng mga player ng liga.

o0o

Balik-ensayo ang mga PBA team pero hindi puwedeng lahat ay tutungo sa gym, bagkus ay by batch ito. Apat-apat o lima-lima lamang ang player, at  iiral pa rin ang physical distancing. Ito ang protocols ng Inter Agency Task Force (IATF). Bagama’t ganito ang magiging sitwasyon, may nakikita nang pag-asa  na puwedeng makabalik ang liga at  baka  magkaroon ng isang conference para sa Philippine Cup na All-Pinoy. Hindi lamang ang mga player ng PBA ang excited sa kanilang pagbabalik kundi ma­ging ang mga follower ng liga.

o0o

How true naman kaya ang trade na pinag-uusapan ngayon?  Batay sa report, sakaling bu­malik si Greg Slaughter ay iti-trade siya sa Meralco Bolts kasama si Jeff Chan, kapalit nina Raymund Almazan at Baser Amer. Patas ba ang palitan kung sakali?

Si Slaughter ay paso na ang kontrata sa da­ting mother team. Pero dahil nasa Ginebra pa rin ang rights kay Gregzila ay puwede nilang gawin ang nais para sa Fil-Am player. Oks naman ito dahil malakas si Almazan, mabilis kumilos, may tira sa labas at mabilis kumilos. Pati kay Baser ay walang lugi ang Gin Kings dahil puwede siyang maging kapalitan ni L. A Tenorio. Habang sina Chan at Slaughter ay akma  rin sa bakuran ng Bolts.

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *