ALKALDE NG CAPAS POSITIBO SA COVID-19

TARLAC- INIHAYAG ng Capas Information Office na nagpositibo sa COVID-19 si Capas Mayor Rey Catacutan.

Base sa report ng Municipal Health Office, posibleng nahawa ng virus ang alkalde dahil sa exposure sa mga kababayan alinsunod sa tungkulin nito bilang public servant.

Kaya’t kahapon isinara na muna sa publiko ang Mayor’s office para bigyang daan ang gagawing disinfection habang hinihintay ang resulta ng swab test ng mga staff nito na nagkaroon ng close contact sa punong-bayan.

Kasabay nito, sarado rin ang buong munisipyo simula pa kahapon ng tanghali hanggang ngayong araw bagaman gumagana ang skeletal force ng Chief of Staff at Administrator’s Office.

Samantala, nauna nang inanunsiyo ni Concepcion Tarlac Mayor Andy Lacson nitong nakaraang araw na tinamaan siya ng COVID-19.

Dahil dito muling umapela ang Pamahalaang panlalawigan ng Tarlac sa publiko na gawin ang lahat ng ibayong pag-iingat upang makaiwas sa nakamamatay na virus. THONY ARCENAL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *