ANDREA TORRES INASAR, PINAIYAK NI DEREK RAMSAY

KUNG labis na natuwa ang hunk actor na si Derek Ramsay nitong kanyang wallfacenakaraang kaarawan sa isang sorpresang birthday party na inilaan sa kanya ng girlfriend na si Andrea Torres, bumawi naman si Derek nitong nakaraan Araw ng mga Puso ng isang sorpresang Valentine date, na labis din ikinagulat ni Andrea at napaluha pa ito.

Noong araw ding ‘yun ay sinadya munang inisin ni Derek ang gf at magkaroon sila ng argument. Dahil first time nilang magkaroon ng ‘di pagka-kaunawaan ay minabuti ni Andrea na palipasin muna ang pagkainis. Nagpunta si Andrea sa bahay na ipinapagawa ni Derek upang gumawa ng video para i-post sa blogsite nilang magsyota.

Habang kinukunan ang ‘di pa tapos na bahay ng boypren ay nagawi siya sa rooftop.  Laking gulat na lang ni Andrea nang biglang sumulpot sa harapan niya ang boypren na may dala-dalang bulaklak sabay lapit kay Andrea at binati ito ng Happy Valentine.

Napaiyak na yumakap si Andrea at doon niya napagtanto na inasar lang siya ni Derek para sorpresahin naman ng isa ring pagbati.

Sa ngayon ay naghahanda na ang dalawa para sa pagsisimula ng bagong teleseryeng gagawin sa GMA7 na silang dalawa muli ang bida.

WINWYN MARQUEZ  HINIHINTAY ANG LALAKING MULING MAGPAPATIBOKNG PUSO

ILANG taon na rin naman ang nakalilipas nang maghiwalay sila ng landas ng ex-boyfriend na si Mark Herras at hindi pa muling nauugnay sa ibang guy ang isa sa mga host ng “Glow Up” na si Winwyn Marquez.

Samantala, ang kanyang ex-boypren ay very much in love ngayon sa baguhang Kapuso Star at kasama sa trending na te­leserye na “Descendants of the Sun” na si Nicole Donesa.

Tsikang iwas na muna sa pakikipagrelasyon itong si Winwyn at sadyang malalim daw ang sugat na dulot ng hiwalayan blues nila ni Mark.

Ani ni Winwyn, sobrang nakapag-move on na siya at kung darating naman daw sa buhay niya  ngayon ang isang lalakeng magpapatibok muli ng kanyang puso ay redi na rin naman daw siyang umibig muli.

Maaari ngang nakapag-move on na si Winwyn, pero natatakot na nga bang magmahal si Winwyn kung kaya hanggang ngayon ay wala pa siyang boypren?

Say ni Winwyn, wala raw siyang dapat katakutan pagdating sa ngalan ng pag-ibig, ‘pag naramdaman niya ito, go lang daw ang kanyang byuti, tulad lang sa kanta ni Donna Cruz na ‘Kapag Tumibok Ang Puso’.

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *