ANG LAYUNIN NG FILIPINAS SA 30TH SEA GAMES

PUSONG PANALO

(PAGPAPATULOY)

NITO lamang ika-3 ng Oktubre, tinanggap ng Filipinas ang SEA Games flame mula sa Malaysia na siyang host noong 2017. Naganap ang hand-over ceremony sa Bukit Jalil National Stadium sa Kuala Lumpur. Ang lantern o lamparang naglalaman ng apoy ay dadalhin sa Fili­pinas upang mag­lunsad ng kick off torch run activities sa Davao, Cebu, at Clark, Pampanga.

Ang official torch para sa SEA Games ngayong taon ay kumakatawan sa pagkakaisa, sportsmanship, atletisismo, at kahusa­yan sa sining. Ang isa sa magagaling na iskultor sa Filipinas, si Daniel dela Cruz, ang lumikha ng disenyo ng torch at mga medalya para sa SEA Games. Ang kanyang torch ay nagtatanghal ng mga simbolong pambansa kagaya ng sampaguita, ang ating pambansang bulaklak. Kumakatawan ito sa pagiging simple, kadalisayan, pagiging mapagkumbaba, at pagiging matibay.

Siguradong marami sa atin ang excited nang mapanood ang ilan sa mga sporting event sa darating na SEA Games upang suportahan na rin ang ating mga pambatong atleta. Ang mga tiket ay maaaring mabili sa SM o sa website ng SM Tickets simula ika-15 ng Oktubre. Ang pagbubukas ng palaro ay gaganapin sa Philippine Arena sa Bulacan sa ika-30 ng Nobyembre. Ang halaga ng tickets para sa SEA Games ay magsisimula sa P1,000.

Bilang sentro ng mga aktibidad sa 2019 SEA Games, ang Clark ay ang venue para sa ilang malalaking palaro. Ang New Clark City sa Pampanga ay ang lugar kung saan matatagpuan ang bagong Athletics Stadium at Aquatics Center.

Ito ang mga venue para sa dalawa sa main events, ang swimming at athletics. Ang ibang palaro naman ay magaganap sa Metro Manila, kagaya ng basketball, volleyball, at weightlifting.

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *