ANGEL LOCSIN AT NEIL ARCE, IBINAHAGI ANG KANILANG LOVE STORY

Angel locsin and Neil Arce

SA NAKARAANG vlog  ng couple na sina Neil Arce at Angel Locsin ibinahagi nila kung paano sila nagsimula from magkaibigan to magka-ibigan (lovers).

Nagsimula na rin ang couple sa pagba-vlog, at ang topic nga nila sa pangalawang vlog nila ay tungkol sa kanilang relasyon, na request  ng kanilang fans.

Nagsimula sila bilang magkaibigan noong 2010. Makalipas ang pitong taon ay tuluyan na nga silang nagka-developan. Ayon nga sa kanila, marami rin silang pinagdaanan noong nagsisimula pa lamang  bilang magkaibigan. Si Angel  ang nagsilbing date setter ng film producer o tulay para mahanap ni Neil ang babaeng magpapatibok ng kanyang puso.

Para kay Angel, si Neil ang kanyang pinagkakatiwalaan lalo na kapag may problema at si Neil na nga ang nagsilbing buntunan niya ng kanyang problema. Pero dumating din ang pagkakataon na hindi na nila pinag-uusapan ang kung anong problema dahil ang isat isa na ang problema nila.

Binalikang-tanaw nga ni Neil  ang noong kasama pa niya sa iisang bubong ang kaibigang nagngangalang Madz. Nagpunta  ang kaibigan nitong si Madz sa bahay ni Angel. At du’n nga ay tinanong ng aktres si Madz kung tama ba na isugal niya ang friendship para sa romantic relationship. At ang sagot ni Madz ay, “no, dont do that.”

Ayon sa film producer, alam na raw ng kanyang kaibigan na mayroon na siyang lihim na nararamdaman para sa aktres, pero mali ang ibinigay na mensahe nito. At dahil nga sa nangyari, nagdesisyon na si Neil na puntahan ang aktres sa bahay nito dahil hindi na sinasagot nito ang kanyang mga text.

Dito ay  nagbitaw na nga ng mga pangako si Neil sa aktres , ngunit hindi na n’ya ito masyadong dinetalye.

Nakatakda nang ikasal ang dalawa sa susunod na taon. ANGELO BAINO

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *