ANO ANG KULANG SA PHILIPPINE EDUCATION SYSTEM?

Matagal nang kinukwestyon ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas kung saan nakukuha sa pamamagitan ng formal at non-formal system. Ang formal edu­cation ay tipikal na inaabot ng 16 na taon, at structured sa 6+4+2+4 system, pwera pa ang kindergarten na mandatory na sa ngayon: Kaya ang bagong sisteman ay isang taong mandatory pre-school, 6 na taon sa primary school education, 4 na taon sa secondary school education, 2 taon sa senior high school at 4 na taon sa higher education na leading sa bachelor’s degree. Optional na ang Master’s Degree at Doctoral Degree.

Ayon sa pag-aaral at fact-finding commissions, talagang bumababa ang kalidad ng edukas­yon sa Pilipinas dahil sa mababang government budget; mababang kalidad ng titser; palpak na pamamahala ng mga iskwelahan; pangit na school facilities tulad ng laboratory at library facilities; pangit na learning environment; at laman ng curriculum.

Ayon sa Gallups index, isa raw sa pinakamasayahing bansa ang Pilipinas, kaya kung foreigner ka na gustong mag-pursue MBBS o iba pang higher education courses, mas magandang piliin ang mga unibersidad sa Pilipinas, dahil matututo ka na, mag-e-enjoy ka pa. World class din naman ang edukasyon natin sa larangan ng medicine, nursing, pharmacy, business at iba pa.

Pero may mga isyung dapat lutasin dito with regards sa educational system. Una, ang kalidad ng edukasyon, sunod ang badyet, affordability of Education, drop-out Rate (Out-of-school youth), na mismatch sa pagkakaroon ng Brain Drain, Social Divide, at kakulangan ng pasilidad at titser sa mga pampublikong iskwelahan.

Ang pinakamala­king problema sa pag-aaral ngayon – lalo pa at panahon nga ng pandemya na teknolohiya lamang ang ina­asahan —  ay ang kawalan ng inobasyon at mobility sa higher education. Dahil negosyo ang na­ngunguna ngayon sa mga private  colleges and universities na milyun-milyon ang kinikita, nakakalimutan na ang kahalagahan ng tunay na pagkatuto.

Tatlong government organizations ang humahawak sa edukasyon ng Pilipinas. Ito ay ang Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Ayon kay Sen. Win Gatchalian, may paraan upang maging competitive ang Philippine Education System. Heto ang mga sumusunod na paraan:

  1. Suportahan ang K to 12
  2. Libre ang College Education
  3. Magkaroon pa ng mas maraming Public Math and Science School
  4. Pagpapatupad ng National Feeding Program
  5. Pagtatas ng sweldo ng titser
  6. Continuous Teacher Education, at
  7. Pagbabalik ng Mandatory ROTC.

Mahalaga ang edukasyon dahil nakatutulong ito upang maging mas mabuti kang tao, makakita ng trabahong maayos ang sweldo, at makita kung alin ang tama o mali. Education shows us the importance of hard work and, at the same time, helps us grow and develop. Sa ganoong paraan, magiging mas maganda ang ating sosyedad.

Ayon sa mga Baby Boomers, habang tumatagal ay pumapangit ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas, kahit pa nga K-12 na tayo. Kung noong panahon nila ay bumabalik sa Grade 1 ang mga estudyanteng hindi marunong bumasa at magbilang, ngayon, kahit pa may mandatory kindergarten pa, nakakaabot ang bata sa high school na hindi man lamang marunong magbasa ng maayos – dahil bawal magbagsak ng estudyante – o kung mapilit ang titser na ibagsak ang estudyante dahil nga walang alam ito, napakaraming papeles ang kailangan niyang iprepara para panindigan ang kanyang desisyon. Yung iba naman, ipinapasa na lamang ng titser sa awa, dahil  kahit sa public school ka pa nag-aaral, mayroon din namang gastos. Kaya naman ang mga abusadong estudyante na pinalaki sa layaw ng mga OFWs na magulang,

In fairness, kung husay sa pagtuturo ang usapan, ang ranking ng Pilipinas ay No. 59 sa top 100 universities sa buong mundo, na may GCI score na 38. Na­ngunguna dito ang United States na may GCI score na 87, na sinundan naman ng Singapore na may score na 81. Pero sa Top 10 universities po lamang natin iyon na ang University of the Philippines ang na­ngunguna.

May apat na levels of education sa Pilipinas matapos ang Senior High School: ang Associate, bachelor’s, master’s, at doctoral degree, na may mga prerequisites, haba ng taon ng pag-aaral, at requirements.

Ang college degree naman ay may pattern na dapat sundin tulad ng: Principles for teaching problem solving; makapagbigay ng magagamit na problem-solving method; magturo batay sa specific context; tulungan ang mga estudyanteng maintindihan ang problema; magkaroon ng sapat na panahon upang lutasin ng problema; matutong magtanong at magbigay ng suhestyon upang malutas ang problema; i-link ang mga pagkakamali sa maling pagkakaintindi.

Ngunit ano ba ang kulang sa Philippine education? Ang dami kasi ng dropouts at repeaters. Mababa na nga ang passing grade, bumabagsak pa rin ang estudyante. Sablay din ang communication and language skills ma-Tagalog man o English. In other words, hindi na nga fluent sa English, hindi pa fluent sa Filipino. Nakakahiya. Kaya nga hindi makakuha ng matinong trabaho kahit naka-graduate na sa kolehiyo.

E, bakit ganoon? Na­niniwala ang inyong lingkod na walang boplaks na titser lalo na ang mga titser sa public school. Ano naman ang karapatan mong magturo kung ikaw mismo dapat ding turuan?

Heto naman ang su­hestyon namin para masolusyunan ang palpak na sistema: mas matinong classroom; financial support sa mahihirap na pa­milya; pagpapalaganap ng awareness sa kahalagahan ng pagkatuto; tolerance sa mga mahihina ang ulo; maayos na sweldo ng tit­ser; maayos na SSS at GSIS program; pagbibigay ng health insurance sa titser at estudyante.

Sa kabila ng lahat, may mga educational issues pa rin tayong kinakaharap na kailangang iresolba sa lalong madaling panahon. Ngunit sa ngayon, makuntento na lamang muna tayo sa kung ano ang meron tayo. Mabuti na kesa wala. Kahit naman sinasabi nilang palpak ang atuing education system, meron pa ring matitinong universities. Heto po ang Top 20 na unibersidad sa Piliinas (in chronological order). Yung iba, libre, yung iba naman, mahal. Kayo na lang ang pumili, depende sa financial at intellectual capability ninyo o kung alin ang mas accessible sa inyo. Kung wala sa Top 20 ang iskwelahang gusto ninyo o malayo ito sa inyo, bawat probinsya ay may State University. Libre po doon at sigurado kayong kung hindi man makataat sa lebel ng Top 20 universities, at par naman sila sa pangangaila­ngan ng bansa. JAYZL VILLAFANIA NEBRE

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *