(Apektado ng ECQ) CASH AID SA FARMERS KASADO NA

William Dar

NAKAHANDA na ang ayuda ng Department of Agriculture (DA) sa mga magsasaka na apektado ng Luzon-wide enhanced community quarantine (ECQ).

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, bukod sa cash assistance ng ahensiya ay mayroon din silang pakikipag-ugnayan sa Land Bank of the Philippines para makakuha ng loan ang mga magsasaka.

Aniya, pinaplantsa na nila ang guidelines para sa iaalok na P25,000 loan sa mga magsasaka.

Bukod sa mga magsasaka ay nakatakda ring ayudahan ng ahensiya ang mga mangingisda na apektado rin ng ECQ. DWIZ 882

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *