(Apela sa DSWD) PENSIYON NG SENIORS IBIGAY MONTHLY

senior

NANAWAGAN si Quezon City Rep. Alfred Vargas sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na gawin nang buwanan ang pagbibigay ng pensiyon sa mga senior citizen.

Ang apela na itratong parang ‘payroll’  ang pensiyon ng mga lolo at lola ay kasunod ng transition o paglipat ng DSWD sa pag-gamit ng cash cards katuwang ang Landbank.

Sinabi ni Vargas na dahil online na ang distribusyon ng mga benepisyo, makabubuting gawin na ring buwanan ang pagbibigay ng pensiyon, lalo na ngayong may pandemya at higit na kailangan ng mga matatanda ng regular na ayuda mula sa pamahalaan.

“Tutal online naman na, baka puwedeng tratuhin na ng DSWD na parang payroll account ang mga cash card na ito. This is the most practical and compassionate approach. Our indigent senior citizens need all the help they can get right now because of the un-certainties caused by the pandemic. Pagaanin natin ang buhay nina nanay at tatay, nina lolo at lola,” ani Vargas.

Sa kasalukuyan ay tumatanggap ng P500 buwanang pensiyon ang mga kuwalipikadong indigent senior citizens na nakukuha nila sa kada anim na buwan sa halagang P3,000.

Kasabay nito ay humirit din ang kongresista na pagtibayin sa lalong madaling panahon ang isinusulong na panukala na doblehin o gawing P1,000 ang social pension para sa mga nakatatanda. CONDE BATAC

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *