ASIA SKATER OF THE YEAR SI DIDAL

Margielyn Didal

MULING nag-uwi ng karangalan si Asian at Southeast Asian Games gold medalist Margielyn Didal nang tanghalin siyang inaugural Women’s Asia Skater of the Year noong Miyerkoles ng gabi.

Tinalo ni Didal, 21, ang pitong iba pang kandidato, kabilang si fellow Filipina Cindy Lou Serna upang maiuwi ang $1,500 cash prize.

Nominado rin sina Japan’s Aori Nishimura, Nanaka Fujisawa, at Hina Maeda, Indonesia’s Nyimas Bunga Cinta at Thailand’s Orapan Tongkong.

“This is awesome,” pahayag ni Didal sa kanyang pinakabagong tropeo. “Thank you so much.”

Nakopo rin ni Didal ang Style for Miles award at ang Fastest Feet in the East kung saan tumanggap siya ng karagdagang $300 premyo.

Inaasahang kakatawanin ni Didal ang Filipinas sa nalalapit na  Olympic Games sa Tokyo, Japan. Nagwagi siya ng gold medals sa 2018 Asiad sa Jakarta at sa 2019 SEA Games na idinaos sa bansa.

Sa Men’s Asia Skater of the Year ay tatlong Pinoy ang nominado — Mak Feliciano, Daryl Dominguez, at Daniel Ledermann. Ang award ay napanalunan ni Shin Sanbongi ng Japan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *