ASSOCIATE JUSTICE DIMAAMPAO ITINALAGA SA KORTE SUPREMA

ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Court of Appeals (CA) Associate Justice Japar Dimaampao bilang Associate Justice ng Supreme Court.

Ito’y ayon sa liham na ipinadala ni Executive Secretary Salvador Medialdea kay Chief Justice Alexander Gesmundo.

Mababatid na si Dimaampao na ang ikalawang Muslim sa kasaysayan ng Korte Suprema matapos maitalagang Associate Justice si Abdulwahid Bidin noong taong 1987.

Uupo ito sa  binakanteng puwesto nang malipat si  Chief Justice Alexander Gesmundo sa  pinakamataas na judge post.

Si Dimaampao, 57, ay mula sa  Marawi City, Lanao del Sur. Nagsilbi ito bilang  Court of Appeals justice nang 17 taon at magsisilbi sa Mataas na Korte ng 13 taon hanggang 2033. RIZA ZUNIGA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *