AstraZeneca Vaccines Dumating sa PH

DUMATING sa Villamor Airbase ang 487,000 doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccines na gagamitin sa ilang frontliners at mga senior citizen, lulan ng Royal Dutch Airlines KLM mula sa bansang Amsterdam.

Noong Lunes pa inaasahan darating ang 525, 600 doses ng Astrazeneca vaccines, ngunit hindi natupad ang pangako ng supplier, kung kayat iniurong sa araw ng Huwebes dahil kinapos sa oras ang distributors.

Kinakailangan din ang maintaining cold chain requirements ng logistics handlers kaya nahihirapan ang manufacturer sa pag-transport ng mga vaccine na ito.

Bukod sa AstraZeneca, darating din ang 117,000 doses ng Pfizer na inilaan sa bansa ng COVAX, ngunit hindi pa matukoy ang petsa ng arrival nito, dahil ito ang high demand sa ibang bansa, ayon pa kay vaccine czar Carlito Galvez Jr. FROILAN MORALLOS

.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *