AWAYAN SA LUPA, 3 MIYEMBRO NG PAMILYA MINASAKER

pinagbabaril

LAGUNA-PINAGBABARIL hanggang mapatay ng nag-iisang salarin ang tatlong miyembro ng pamilya dahil umano sa awayan sa lupa sa Brgy. Limao, bayan ng Calauan, kamakalawa ng gabi.

Sa inisyal na ulat ni PMaj. Marc Julius Rebanal, hepe ng pulisya, nakilala ang biktimang sina Cesario Forteza, anak nitong si Richard at kinakasamang si Maricel Cabarles, pawang mga residente ng nasabing lugar.

Samantala, patuloy pa ring tinutugis ng pulisya ang nakatakas na suspek na kaanak ng mga biktima na si Ruel Tolentino.

Alas-9:00 ng gabi nang pasukin ng suspek ang bahay ng mga biktima saka pinagbabaril ang mga ito.

Unang itinumba ng suspek si Cesario habang nag-iisa ito sa kanyang tirahan saka isinunod ang mag-live-in na sina Richard at Maricel.

Tumakas ang suspek makaraan ang pamamas­lang. DICK GARAY

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *