(Bago ang pagsasara sa Undas) 30% CEMETERY VISITORS LANG ANG PAPAYAGAN

MAAARING tu­mang­gap ng 30 porsiyentong mga bisita  ang mga sementeryo bago at pagkatapos ng Undas 2020.

Ito ang pahayag ng Metro Manila Council (MMC) kaugnay   sa maagang pagdalaw ng publiko sa puntod ng  kanilang mga yumaong mahal sa buhay bago ipasara ang lahat ng sementeryo sa  Oktubre 29 na magtatagal hanggang Nobyembre 4.

Ayon kay MMC Chairperson at Para­ñaque City Mayor Edwin Olivarez, papayagan lamang ang mga sementeryo na magbukas sa limitadong kapasidad bilang pag-iingat sa gitna ng banta ng pandemya dulot ng  COVID-19.

Tiniyak ni  Olivarez na hindi mawawalan ng hanapbuhay ang mga vendor sa panahon ng Undas.

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *