BAGO ANG QUARANTINE: FOREIGN DIRECT INVESTMENTS TUMAAS

BSP-11

PUMALO sa $657 million ang pumasok na foreign direct investments (FDI) sa bansa noong Enero, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sa datos na ipinalabas ng BSP, ang January FDI net inflow ay mas mataas ng 12.1% kumpara sa $586-million na naitala sa kahalintulad na panahon noong nakaraang taon.

“This development, which was before the imposition of the community quarantine in the country due to COVID-19, reflects continued investor confidence in the Philippine economy, despite global economic uncertainties,” sabi ng central bank.

Ayon sa BSP,  ang pagtaas sa FDI sa naturang buwan ay pinalakas ng net inflows ng equity capital, na nagkakahalaga ng $352 million, isang reversal mula sa net withdrawal na $43 million noong Enero  2019.

Ang equity capital placements ay higit pa sa doble sa $373 million mula sa $186 million na naitala sa kaparehong panahon noong 2019, habang ang withdrawals ay bumaba ng  90.7% sa $21 million mula sa $229 million.

Ayon sa BSP, malaking bahagi ng equity capital placements noong Enero ay nagmula sa ThevNetherlands at Singapore.

“These were invested mostly in the manufacturing and real estate industries,”  anang BSP.

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *