(Bahagi ng paglilinis sa PNP) BALASAHAN MULI SA PNP-CIVIL SECURITY GROUP

Roberto Fajardo

CAMP CRAME – NAGPATUPAD muli ng balasahan sa Civil Security Group ng Philippine National Police (PNP).

Inanunsiyo mismo ni CSG Director Police Major Roberto Fajardo na 52 mga pulis kabilang na ang 30 Police Commissioned Officers, 17 Police Non-Commissioned Officers at 5 non-uniformed personnel ang tinanggal sa kanilang mga pwesto.

Bahagi aniya ito ng ipinatutupad na internal cleansing sa PNP.

Ayon kay Fajardo, dismayado siya sa kanyang mga tauhan dahil sa mga ulat na kanyang natatanggap na may kinalaman ang mga ito sa katiwalian.

Ang malawakang balasahan ay pangatlong beses nangyari simula nang maupo si Fajardo bilang CSG chief nitong ­October 2019. REA SARMIENTO

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *