BAHAY NINAKAWAN, 2 LALAKI DINUKOT PA

dinukot

LAGUNA – PINAGNAKAWAN ng anim na armadong kalalakihan ang bahay ng isang pamilya habang dalawa sa mga ito ay dinukot at tinangay pa ang kanilang sasakyan sa Southview Homes Subdivision I, Bgy. Pacita 2, San Pedro City Linggo ng gabi.

Base sa inisyal na ulat ni Laguna PNP Public Information Officer (PIO) PLt. Col. Chitadel Gaoiran, nakilala ang biktimang sina Rica Arisco Bartolome 24-anyos, Rufa Arisco Bantog, 19-anyos, estudyante, Jonathan Flores David, 29-anyos, at  Vins Flores, 20-anyos, binata, pawang mga residente ng nasabing lugar.

Sa imbestigasyon, bandang alas-8:30 ng gabi nang pu­wersahang pasukin ng mga suspek ang bahay ng mga biktima na armado ng mataas na kalibre ng baril.

Mabilis na tinalian ng mga suspek ang kamay  ng mga biktima  gamit ang kawad ng fone charger habang may nakatutok na baril bago tinangay ang mamahaling alahas, laptop, (Acer) Ipho­ne (Promacs/10 Max) cellfones, 2 ATM cards, drivers license, 12 pairs ng Nike na sapatos at cash na mahigit na P50,000.

Bago tumakas ang mga suspek gamit ang sasakyan ng isa sa mga biktima na na kulay dark gray na Fortuner may plakang #2090, dinukot pa sina David at Flores.

Kaugnay nito, patuloy na tinutugis ngayon ng pulisya ang tumakas na mga suspek patungo ng hindi pa mabatid na lugar habang sumasailalim sa masusing imbestigasyon ang nasabing kaso. DICK GARAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *