BENEPISYO SA MEDIA WORKERS APRUB NA SA KAMARA

MEDIA

INAPRUBAHAN na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill 8140 o ang Media Workers Welfare Act.

Sa botong 218 ay lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala na layong bigyang proteksiyon at maayos na benepisyo ang mga media practitioner ng bansa.

Sakop ng panukala ang pagbibigay ng tamang sahod, security of tenure, hazard at overtime pay, insurance at iba pang benepisyo para sa mga media worker.

Kabilang dito ang pagiging myembro ng Social Security System, PAGIBIG, at Philippine Health Insurance Corp. sa oras na matanggap sa trabaho.

Ipinakokonsidera na regular employee ang isang media worker matapos ang anim na buwan ng tuloy-tuloy na employment nito.

Ang mga miyembro naman ng media na aatasan na mag-cover sa dangerous at hazardous events ay bibigyan ng karagdagang ₱500 araw ang sahod bukod pa sa protective gears o equipment.

Pinabibigyan din ng karagdagang insurance ang mga media worker na ₱200,000 death benefits, P200,000 disability benefits, at P100,000 medical insurance benefits.

Bubuo naman ng Media Tripartite Council na siyang titiyak na nasusunod ang pagbibigay proteksiyon sa mga taga-media.      CONDE BATAC

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *