BIG-TIME OIL PRICE HIKE: P1/L SA GASOLINA, P1.05/L SA DIESEL

OIL PRICE HIKE-2

SIMULA ngayong araw ay magpapatupad ng big-time oil price hike ang mga kompanya ng langis para sa ikatlong sunod na linggo ng dagdag-presyo.

Sa magkahiwalay na abiso, sinabi ng Petron at Pilipinas Shell Petroleum Corp. na tataas ang presyo ng kanilang gasolina ng P1.00 kada litro, diesel ng P1.05 kada litro, at kerosene ng P0.95 kada litro.

Magpapatupad ang Cleanfuel at Petro Gazz ng kaparehong adjustments maliban sa kerosene na hindi nila ibinebenta.

Ang taas-presyo ay epektibo sa alas-6 ng umaga, maliban sa Cleanfuel na mag-a-adjust ng presyo sa alas-4:01 ng hapon sa kaparehong araw.

Sa pinakahuling datos mula sa Department of Energy (DOE), hanggang noong Enero 5, 2021, ang year-to-date adjustments ay may net decrease na P0.45 kada litro para sa gasolina, P0.30 kada litro sa  diesel, at  P0.40 kada litro para sa kerosene.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *