BIGAYAN NG AYUDA UMARANGKADA

NAGSIMULA na ang pamamahagi ng ayuda sa ilang bahagi ng National Capital Region (NCR), Bulacan, Cavite, Rizal at Laguna araw ng Miyerkoles.

Ang distribusyon ng cash aid sa Quezon City at lungsod ng Taguig ay umarangkada na habang araw ng Martes naman nagsimula ang pamamahagi ng ayuda sa Maynila.

Batay sa Manila City Public Information Office, P1.52 bilyon ang nakalaan para sa mga low-income earners sa Kamaynilaan.

Samantalang inaasahang 368,925 na mamamayan naman ng lungsod ng Caloocan ang mabibiyayan ng ayuda at sa ibang mga lugar sa Metro Manila ay susunod na.

Magugunitang naglaan ang national government ng P22.9 bilyong cash assistance para sa 11.2 milyong Filipino sa NCR habang tatlong milyon naman sa Bulacan, 3.4 milyon sa Cavite, 2.7 milyon sa Laguna at 2.6 milyon sa Rizal. DWIZ882

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *