BILLY, NADINE AT BOY JUDGES SA TWO-IN-ONE COMPETITION

Billy, nadine and boy

SA UNANG pagkakataon, mapanonood na simula bukas, November 9 ang pinakabagong talent-reality buzzdayshow format na bunga ng pag-sasanib-puwersa ng ABS-CBN at Fritz Productions ng Netherlands, tampok ang sari-saring dancing at singing acts mula sa loob at labas ng bansa at magtatanghal ng dalawang grand champion sa dalawang talent category sa finals ang “Your Moment.”

“Your Moment” will feature judges– international RnB sensation Billy Crawford, multimedia princess Nadine Lustre, at star builder Boy Abunda na gagamit ng ‘emotion meter knob’ para bigyan ng score ang bawat performance.

Exciting ang weekend as the program offers new and grand set up kung saan masasaksihan ng audience at judges ang lahat ng performances sa salit-salitang pag-ikot nito sa magkahiwalay na dancing stage at singing stage.

Pangungunahan naman ang “Your Moment” ng multi-awarded TV personality na si Luis Manzano at dance icon na si Vhong Navarro bilang hosts.

Magsisimula sa black and white ang bawat performance ngunit habang tumatakbo ito ay unti-unting magkakakulay at magkakailaw ang stage, samantalang tatlong beses namang kailangang magbigay ng score ang judges gamit ang ’emotion meter knob’ mula sa pinakamababang score na 1 hanggang sa pinakamataas na 10. Lalabas din sa screen ang ’emotion meter’ na ipapakita ang scores ng judges sa tuwing papatak sa tatlong ‘time markers’ (20 segundo, 60 segundo, at 90 segundo) ang performance.

Apat na levels ang kailangang pagdadaanan ng acts sa kumpetisyon bago tanghaling grand champion:

Sa unang level na “Your First Moment,” tatlong singing acts at tatlong dancing acts ang tampok sa bawat episode na bibigyan ng tigdadalawang minuto para pabilibin ang judges.

In “Your Moment of Choice,” pipiliin ng acts na may pinakamatataas na scores ang kanilang makakatunggali sa isang kaabang-abang na three-way showdown.

The third “Your Moment of Power” naman, top performers will be given ng gagabay sa kanila mula sa mga batikang Pinoy at banyagang mentors sa entertainment industry.

Sa huling “Your Grand Moment” level, magtutunggali naman ang top three acts sa dalawang kategorya at uusbong ang isang grand champion para sa pagkanta at isa naman para sa pagsayaw.

Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/yourmomentph at sundan ang sa Twitter at Instagram.

POKWANG MAY NAPAPALA SA PAGKUKUSINA 

EVERYBODY knows actress-comedienne Pokwang’s love for cooking. Masarap daw siyang mag­luto, at Pokwangang nagpapatunay rito ay ang mga kasamahan niya sa industriya na malimit humiling sa kanyang mga lutuin kaya  tinagurian pa siyang Pambansang Mamang.

Dahil dito, napili siyang maging endorser ng mga gamit pang-kusina, pang-luto tulad ng mga cookware set na laging nakikita sa online shopping.

Just recently, Pokwang was blessed with another cooking aid endorsement — a liquefied petroleum gas(LPG)  product Regasco of Republic Gas Corporation, a 100% Filipino-owned company operating all over Luzon. Itinayo noon pang June 1998, patuloy na nagdudulot ng dekalidad na produkto ng liquefied petroleum gas sa mga dealer, retailer at household customers sa buong bansa.

Ayon Regasco family, agad nilang nagustuhan si Pokwang para mag-indorso ng kanilang produkto dahil sa hilig nito sa pag­luluto, na siyang naging malaking factor to be the face of the brand plus her being a doting mom to daughters Mae and Malia ang loving partner to Lee O’Brian.

“Si Pokwang ang sumasalamin sa modernong  Pinay at ina na ginagawang prayoridad ang pagiging ilaw ng tahanan, pag-aalaga ng pamilya lalo pagdating sa pagluluto ang paghahanda ng malusog at masarap na pagkaing pang-pamilya,” lahad ng mga opisyal ng Regasco.

Hindi raw sila nagkamali ng pagkuha kay Pokwang sobrang overwhelmed sa mainit na pagtanggap sa kanya ng Regasco family, na siyang huling addition sa kanyang lumalagong listahan ng endorsements.

Through the years, the company continuously builds its network of refilling plants all over Luzon. Mula sa isang planta sa Malabon 20 years ago, ngayon ay may total na 25 refilling plants ang Regasco mula sa Region 1, 2 and 3, NCR, Region 4A and Cebu and growing more.

Kaya sa panibagong endorsement ni Pokwang, nasabi niya, “Lab ko, Regasco!” Kumpleto na ang kasangkapan niya sa kusina.

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *